Saturday, July 25, 2009

hello. kumusta na kayo? namiss ko na kayo lalo na ang mga taga antipolo. para sa mga hindi nakakaalam, ako po ay nagddorm at may minamahal sabi ni buddy. hahaha kaya hindi ako nakakapagpost. nandito ako ngayon sa tahanan ni bryce, nag overnight kami dito nila buddy. naisipan ko magblog dahil naaalala ko kayo. minsan na lang ako nakakapag online dahil walang computer, tv, at radyo sa dorm. puro aral lang. hahaha kaya pag weekend sinasamantala ko ang computer. haha osige, hanggang dito nalang muna...


-drahcir..

Saturday, July 4, 2009

matagal nagbakasyon ang blog ko, matagal nadin akong hindi nagppost. dahil lang siguro sa mga ginagawa ko kaya wala na akong oras magblog. pero ngayon, since wala naman akong gagawin, magpopost nalang ako. madami na akong experiences sa tatlong linggo kong nagccommute papunta at pauwi ng school. madami ka talagang makikitang mga tao na desperado, walang pera, pinipilit magpakasaya o sadyang malakas lang ang trip. dun ko nakikita ang paghihirap ng pilipinas. kahapon nga, habang nag a-ROTC ako, kinkwento ng flight commander namin (katumbas ng platoon leader ng high school) ang mga tungkulin ng air force sa bansa. bago yun, sinabi niya muna ang tatlong elemento ng AFP (arm forces of the philippines) na philippine navy, philippine army, at ang philippine air force kung saan ako nag a-ROTC. yung mga fleet ng pilipinas ngayon ay naluluma at nag kakaubusan na. hindi daw katulad nung panahon pa ni marcos na marami pa daw ang pang attack ng air force na S-211 fighter jet. tapos ayun. may nakita ako kahapon na nakapark sa hangar na di ko alam ang tawag. parang charter plane. yun siguro yung presidential plane. tapos yun, sa ROTC tinuruan kami ng marching, salute parang CAT lang ng high school. so yun medyo late lang ang uwian. nakauwi ako sa bahay ng mga 830 pm. ayun lang. share lang. :)


drahcir

Monday, June 15, 2009

1st day high..

and yeah, pumasok na ako kanina ng bonggang bongga. unang araw ng klase. gumising ako ng 3.30 actually di na ako nakatulog. hindi ko alam kung dahil sa excitement or kinakabahan lang talaga ako. umalis ako ng bahay ng madaling araw, mabilis lang ang byahe pag umaga. yun nga lang talagang napakalayo lang talaga. nakadating ako sa skul ng 6 am. pag dating ko dun ay napakarami na ng mga tao. makikita mo sa mga estudyante kung sino ang mayayaman, at yung may kaya. malalaman mo din kung sino ang mga freshmen at mga tumagal sa pagiging freshmen. mahaba ang pila sa gate, kaya nagkaroon ng pila dahil nagkaroon ng hand dis-infecting sa may main gate ng campus, mag lalagay ka ng hand sanitizer sa kamay. pagkatapos nun, pasok na ko hinanap ko na ang classroom ko. at ito ay matatagpuan sa 3rd floor. 8 am to 12 noon ang klase ko pag monday, wednesday at friday. 7 am to 5pm naman sa tuesday at thursday. kanina ay hindi pa kami nag simula ng aming klase. halos lahat ng aking prof ay nag require at nag sabi lang ng mga conditions. kaya medyo tambay mode kami kanina. share ko lang. hehe :)


drahcir

Sunday, June 14, 2009

today is sunday, last day na ng bakasyon ko. hell yeah! may pasok na ako bukas. excited ba ako? hmm siguro oo na hindi, basta di ko maexplain. hehe balitaan ko nalang kayo bukas kung ano nangyari sa first day ko. :)


drahcir

Monday, June 8, 2009

yeah. magandang gabi. masaya ba kayo? dahil walang pasok? hahaha o badtrip dahil walang pasok? ako din e, dapat may pasok na ako ngayon. e since dineklara ng CHED na mamomove yung classes. ang dating june 8 ay namove sa 15 dahil daw ito sa lumalalang h1n1 virus, flood o pagbabaha at problemang pang-pinansyal para sa ibang mga mag aaral. excited pa naman ako pumasok dahil sa mahabang paglalakbay araw araw mula antipolo hanggang paranaque. oo tama ang nabasa mo aaraw arawin ko yun. sana kayanin ko. kung hindi man, meron naman akong plan B. haha pero parang mas exciting kasi ang bumabyahe araw araw e. madaming experinces sa araw araw. para sa hindi pa nakakaalam, ako po ay papasok sa patts college of aeronautics. ako po ay mag aaral ng aircraft maintanance technology. balak ko kasi mekaniko ng eroplano at mag piloto. so ayun. sana matapos ko 'tong course na 'toh. goodluck satin lahat! :)

drahcir

Thursday, May 28, 2009

i suck.

kanina, habang ako'y nagmamaneho. nag uusap kami ng aking ina tungkol sa aking driving skills. sabi niya, "hindi ka pa swabe magmaneho, yan muna ang ipractice mo." ako naman si anak na nakinig. syempre unang naisip ko dun is paliko, tama nga naman nanay ko. medyo malikot pa mga turns ko lalo na sa mga sharp curves, medyo mabilis at biglaan ako pag lumiko, tipong pang action movie ba. haha nag eenjoy kasi ako sa ganon ewan ko kung bakit. delikado daw kasi yung ganung klaseng pagliko at nakakahilo daw. after nun ay napadaan ako sa isang 28 to 30 degree inclined road, e biglang nagfull stop ang kotseng nasa harap ko so no choice ako kundi mag full stop na din. so i challenged myself to do the hanging. ang term na hanging sa mga drivers ay ang coordination ng clutch at gas para naka tigil padin ang sasakyan nang hindi ginagamitan ng preno. but i failed! namatayan ako ng makina and that was bullshit. naalala ko ang sabi sakin ng instructor ko sa driving school na kapag magaling na daw sa hanging, pwede na daw isabak sa kahit anong klase ng traffic. siguro ngayon kailangan ko na ipractice ang hanging. sa maia alta. hahahaha pagdating naman sa heavy traffic, nakakasabay naman ako. hanging lang talaga. so yun. share ko lang 'to lalo na sa mga nagbabalak mag aral ng driving, na hanging ang pinakamahirap na part sa pagmamaneho.

Sunday, May 24, 2009

room for rent.

napag isip isip ko na magdorm ngayon. dahil narealize ko na magssuffer ang ibang subjects ko pag nag uwian ako. tulad nalang ng drawing. naalala ko na may ganun pala akong subject. so kung mag uuwian ako, baka mawalan na ako ng time sa pag gawa ng mga template ko. syempre hindi lang naman yon ang subject ko. pero parang gusto ko din magtry ng uwian para hardcore. siguro sa 1st week mag uuwian muna ako. para dagdag experience din. naghanap hanap kami kanina ng nanay ko sa dyaryo ng matutuluyan, meron naman kaming nahanap. yun nga lang sana affordable. malapit sa sm e walking distance lang yun sa school ko. lapit pa sa runway. kitang kita yung mga nagttake-off na eroplano. hehe

yun lang. share ko lang at humihingi ng payo. comment nalang kayo sa cbox. salamat


drahcir